⤷Lumipas ang ilang buwan after the confession nag lay-low nadin ako sa nililigawan,
ko, nasa 9months din ata yun, and i decided na stop na lang.
One day, actually birthday ko yun bumati siya sa akin through messenger and nagbiro siya na manlibre naman daw ako, ayun nilibre ko nga siya sa
Jollibee sauyo hahaha. Breaktime namin nun parehas sa work, so 12nn lumabas kami since magkalapit lang kami ng work and naglakad nalang kami papuntang
sauyo ng magkasama sa payong hehe. 😎
⤷After naming lumabas nun, is nag start na kaming magkaroon ng magandang communication through messenger, sometimes she ask
me regarding pa doon sa nanliligaw sa kanya dati na parang ano daw gagawin niya, kasi nagpaparamdam ulit. Somehow nanghihingi ng advice, and sabi
ko naman, If wala ka talaga intention/interest sa guy is completely ignore nalang, simple straight answer. Medyo mahirap sabihin but it will definitely
give a strong message to the guy.
Marami pa kaming mga napaguusapan na kung ano-ano. Komportable naman kami sa isat-isa kasi matagal na kaming
magkakilala and kilala niya naman ako kaya hindi ako nagpapanggap na kung sino, I just tell her kung ano man gusto ko sabihin hahaha. Kaya suki
din talaga siya sa akin sa mga pang-aasar.😂
⤷I started courting her around Oct 27. Nag declare na ako sa kanya ng interest since sobra na kasi naming close nun at medyo
sweet nadin kami sa isat-isa, so para mawala ang mga pagdududa sa aming dalawa ay nagsabi na ako ng aking intensyon. By the way nung time na malaman
ko na may interest siya sa akin last time is pumapasok na siya sa isipan ko palagi. Binabalik-balikan ko sa isip ko yung mga times na magkasama kami
sa church at kung paano siya makipag interact sa mga tao sa paligid.
Na realize ko na siya is a decent girl, dedicated sa ministry at maganda
din hihi 😁Kaya naiisip ko din talaga na pwedeng-pwede ko i-try na kilalanin pa siya. That is why i decided na din na ligawan siya.
Isa sa mga ginawa kong style sa pangliligaw ang panonood ng movie. 😏 Inintroduce ko sa kanya ang MCU at kung paano panonoorin ang Marvel movies
ng sunod-sunod para maunawaan ang istorya since napakaraming movie kasi nito. Every night nanonood kami ng marvel movie hanggang sa naging routine na
namin yun palagi pag-uwi sa trabaho.
Sa phone lang kami nanonood gamit isang application, Kaya kahit nasa kanya-kanyang bahay lang kami is
nakakapanood kami ng magkasama.
Nagustuhan niya ang marvel movies dahil mas nauwaan niya after niya mapanood ng sunod-sunod at napag konek-konek
niya na ang istorya ng bawat movies. Naging mas sobrang close kami dahil sa panonood ng magkasama, minsan din is doon sa mismong room na ginawa namin
sa application para makapanood ng magkasama ay nag cha-chat na lang kami hindi na namin natatapos ang movie dahil sa harot haha. Yes po pwede mag chat
habang nanonood doon sa application na yun, kaya minsan din is na didistruct kami sa mga chats namin haha.😆